Home » , » Julie Anne Hindi na Kasama sa Dormitoryo

Julie Anne Hindi na Kasama sa Dormitoryo

Written By Jerone Simon on 29 August 2013 | Thursday, August 29, 2013



Dormitoryo ang bagong show na ginagawa ngayon ng GMA Network para sa Sunday Grandé sa Hapon slot nito. Ito ay maaring maging katapat ng "Luv U" ngunit pwede rin naman tong makatapat ng "ASAP" ng ABS-CBN. Ito ay dahil, sa ngayong dalawang oras lang ang tinatakbo ng "Sunday All-Stars" na katapat ng "ASAP" na kung saan tatlong oras itong nasa ere.


Sa mga nakaraang araw, napabalitang natanggal na si Julie Anne San Jose sa Dormitoryo kahit siya pa sana ang magbibida sa naturang show. Makakasama sana siya nina Lauren Young, Wynwyn Marquez, at Enzo Pineda.

Sa araw na sinabing di na kasama si Julie Anne sa palabas ay sinabi rin na magiging parte ng main cast ang "AnnaKareNina" teen star na si Joyce Ching. Baka siya na ang papalit sa pwesto ni Julie Anne sa naturang project.

Ang dahilan daw kung bakit tinanggal si Julie Anne sa Dormitoryo ay dahil may pagbibidahan daw siyang bagong show sa GMA rin ngunit sa primetime slot ito. May mga balita ding makakatambal niya ulit si Elmo Magalona sa bagong show.

0 comments:

Most Recent

Nuffnang Advertisement