Los Viajeros sa Trip Na Trip

May bago ngayong kinagigiliwan, kinakikiligan, at nakakapagpatawa sa mga manonood ng Longest Noontime Variety Show ng Pilipinas ang Eat Bulaga, ito ay ang Trip na Trip.


Sa larong ito, hahanap ang mga host ng Eat Bulaga sa audience ng 4 na babaeng maglalaro. Ang mga manlalaro ay naka blindfold at maghahanap sila ng isang miyembro ng Los Viajeros para gawin ang ipinapagawa sa kanila, halimbawa ay Upong Bagong Kasal at Kandungin si Dude. (panoorin niyo na lang sa Eat Bulaga kung papano)

Sinu-sino nga ba ang Los Viajeros? Ang Los Viajeros ay 3 lalaking foreign models na pinapangalanan ng EB na Pedro, Eduardo, at Donovan. Silang tatlo nga ay may malaking bahagi sa naturang segment dahil sila ang nagpapakilig sa mga babaeng kasali sa laro at ang mga manonood na mga sirena at babae na naglalaway na makandong din sila ng mga Los Viajeros.


Ito na nga ang bagong segment ng Eat Bulaga na bumubuhay muli sa naturang variety show. Abangan ang Trip na Trip at ang Los Viajeros sa Eat Bulaga.


No comments: